본문내용 바로가기

Karagdagang Plano Para Sa Multikultural Na Pamilya

한국어 English 日本語 中文 Việt ភាសាខ្មែរ Russian
  • Kasama ang Busan para sa masayang pamumuhay ng mga multikultural na pamilya.
  • Nagpapatupad ang ating lungsod ng iba’t ibang mga patakaran upang maitaguyod ang pagsama sama sa lipunan sa pamamagitan ng pagsuporta sa maagang pag-areglo at matatag na pamumuhay ng multikultura na hindi sanay sa pamumuhay sa bansang Korea.

PALAKASIN ANG CUSTOMIZED NA SUPORTA PARA SA BAWAT YUGTO NG PAGLAKI NG MULTIKULTURAL NA MGA BATA AT MGA KABATAAN

1. Suporta para sa Multicultural Child Care Sharing Center
  • Aplikante : Kasal na mga imigranteng kababaihan at mga bata o anak.
  • Detalye : Paglikha at pagpapatakbo ng isang multicultural child care sharing center upang magbigay ng mga impormasyon sa tamang pangangalaga ng bata, at tamang paggamit ng programa ng center.
  • Institusyong Nagpapatakbo : Bukgu Multicultural Family Support Center
2.Pangunahing suporta sa pag-aaral para sa mga bata mula sa multikultural na pamilya
  • Aplikante : Multikultural na pamilyang mga batang pre-shool o mga batang nagaaral sa mas mababang baitang ng elementarya.
  • Detalye : Suporta para sa pag-aaral tulad ng basic na Korean language, Mathematics, pagbabasa at pagsusulat at suporta patungkol sa kurikulum ng buhay elementarya upang mas lalo pang mapabuti ang kakayahang maka-adjust sa paaralan.
  • Institusyong Nagpapatakbo : Multicultural Famiy Support Centers at Integrated Centers (Seogu, Donggu, Yeongdogu, BusanJingu, Dongnaegu, Bukgu, Haeundaegu, Sahagu, Geumjeonggu, Suyeonggu, Sasanggu)
    • >11 pangunahing lokasyon para sa basic na pag-aaral sa mga batang preschool at nasa mas mababang baitang ng elementarya (Seogu, Donggu, Yeongdogu, BusanJingu, Dongnaegu, Bukgu, Haeundaegu, Sahagu, Geumjeonggu, Suyeonggu, Sasanggu)
    • 3 pangunahing lokasyon para sa basic na pag-aaral sa mga mataas na baitang sa elementarya (Busan Jingu, Bukgu, Sahagu)
3. Suporta sa Gastusin sa Edukasyong Pang-Aktibidad para sa mga Anak ng Mababang Kita na Pamilyang Multikultural
  • Mga Benepisyaryo : Mga anak na may edad 7 hanggang 18 taon mula sa mga pamilyang multikultural na may kita sa pagitan ng 50% hanggang 100% ng median income.
  • Mga Detalye :
    - Sa pamamagitan ng case management, nagbibigay ng suporta para sa pagpapabuti ng kakayahan sa pag-aaral at mga gastusin para sa pagbili ng mga aklat at materyales sa pag-aaral, paggamit ng silid-aklatan, at pagbili ng online learning access.
    ☞ Pang-elementarya: 400,000 KRW, Pang-sekundarya: 500,000 KRW, Pang-mataas na paaralan: 600,000 KRW
  • Ahensyang Nangangasiwa : Mga Sentro ng Suporta para sa Pamilyang Multikultural at mga Pamilyang Sentro (Para sa Jung-gu at Gangseo-gu, ang lokal na pamahalaang pangdistrito ang magsasagawa).
4. Suporta sa Scholarship para sa mga Anak ng Pamilyang Multikultural
  • Mga Benepisyaryo :Mga mag-aaral sa hayskul mula sa mga pamilyang multikultural (7 na tatanggap)
  • Mga Detalye : aunang suporta na humigit-kumulang 4 milyong KRW bawat tao para sa bayad sa akademya, gastusin sa aklat-aralin, at iba pa.
  • Paraan ng Pagpapatupad : Pamahalaang Lungsod (promosyon at nominasyon ng mga benepisyaryo), Eunseong Medical Foundation (pagpopondo sa scholarship), Green Umbrella Children's Foundation (pagpapatupad ng programa)
5. Suporta sa Nakaangkop na Programa sa Karera para sa Kabataang Multikultural
  • Mga Benepisyaryo: Mga anak ng pamilyang multikultural at dayuhang pamilya na may edad 7 hanggang 24 taon
  • Mga Detalye: Suporta sa paggalugad ng karera at pagpili ng landas sa pamamagitan ng career counseling, konsultasyon sa trabaho, at pagsusuri ng kakayahan
  • Ahensyang Tagapagpatupad: Tatlong Multicultural Family Support Centers (Busanjin, Buk-gu, Haeundae-gu) at tatlong Family Centers (Seo-gu, Dong-gu, Sasang-gu).
6. Edukasyong Dalaw-Bahay
  • Mga Benepisyaryo : Mga pamilyang multikultural na may kahirapan sa pagpunta sa sentro
  • Mga Detalye : Dalawang beses sa isang linggo (2 oras bawat sesyon) na edukasyong dalaw-bahay mula sa mga tagapagturo ng sentro
    • Edukasyon sa Wikang Koreano: Antas 1–4 ng pag-aaral ng wikang Koreano, kabilang ang bokabularyo, gramatika, at kultura
    • Edukasyon para sa Magulang: Pagpapalaki ng anak, family counseling at emosyonal na suporta, pagbibigay ng impormasyon, atbp.
    • Serbisyo sa Buhay ng mga Bata: Pagtuturo sa pagbabasa, paggabay sa takdang-aralin, paghubog ng pangunahing gawi sa buhay, paggabay sa karera, atbp.
  • Ahensyang Tagapagpatupad : Apat na Multicultural Family Support Centers (Busanjin, Nam-gu, Buk-gu, Haeundae-gu) at pitong Family Centers (Seo-gu, Dong-gu, Yeongdo-gu, Dongnae-gu, Saha-gu, Sasang-gu, Gijang-gun)
7. Suporta sa Pag-unlad ng Wika ng mga Bata
  • Mga Benepisyaryo: Mga anak ng pamilyang multikultural na nangangailangan ng edukasyon sa pagpapaunlad ng wika (12 taong gulang pababa)
  • Mga Detalye: Dalawang beses sa isang linggo, 40 minuto bawat sesyon, isinasagawa bilang indibidwal na klase (1:1) o pangkatang klase
  • Ahensyang Tagapagpatupad: Apat na Multicultural Family Support Centers (Busanjin, Nam-gu, Buk-gu, Haeundae-gu) at pitong Family Centers (Seo-gu, Dong-gu, Dongnae-gu, Saha-gu, Geumjeong-gu, Sasang-gu, Gijang-gun)
8. Suporta sa Edukasyong Dalawang Wika
  • Mga Benepisyaryo: Mga pamilyang multikultural na may anak na 18 taong gulang pababa
  • Mga Detalye: Coaching sa bilingual parenting at pamilya, direktang pag-aaral ng dalawang wika, at iba pa.
  • Ahensyang Tagapagpatupad: Apat na Multicultural Family Support Centers (Busanjin, Nam-gu, Buk-gu, Haeundae-gu) at pitong Family Centers (Seo-gu, Dong-gu, Dongnae-gu, Saha-gu, Geumjeong-gu, Yeonje-gu, Sasang-gu)

CUSTOMIZED SUPPORT PROGRAMS PARA SA MGA IMIGRANTENG KABABAIHAN

1. Suporta sa "Pangkalahatang Pag-unlad ng Edukasyon" para sa mga imigranteng kababaihan
  • Aplikante : Mga kasal na mga imigranteng kababaihan
  • Detalye : Para sa elementarya, middle school, high school certificate na pagsusulit at pagsasanay (GED).
  • Institusyong Nagpapatakbo : Multicultural Family Support Centers at Mga Integrated Centers.
2. Suporta para sa libreng komprehensibong pagsusuri sa kalusugan para sa mga pamilyang multicultural na mababa ang kita
  • Kelan : Buwan ng Abril hanggang Mayo
  • Aplikante : Mga pamilyang multikultural na may mabababang kita.
  • Detalye : Libreng annual health check up para sa 100 pamilya (budget para sa 1 tao 500000 won).
  • Institusyon ng Pagsisiyasat : Busan Center, Korea Medical Research Institution
3.Pagbuo ng Emergency Support System para sa mga Kababaihang Dayuhang May Asawang Koreano

(1) Silungan para sa mga Dayuhang Kababaihan: 1 pasilidad (sa loob ng 2 taon, nagbibigay ng tirahan at pagkain, pagpapayo, paggamot, suporta sa pagbabalik sa sariling bansa, atbp.)

(2) Sentro ng Emergency Support: Buong bansa, 24 oras (☎ 1577-1366), Busan 09:00–18:00 (☎ 051-508-1366)

  • Mga Wikang Sinusuportahan: Tsino, Biyetnames, Filipino, Kambodyano, Ruso, at iba pang 13 wika
  • Mga Serbisyo: 24-oras na hotline, pag-iwas sa karahasan sa tahanan, koneksyon sa mga pasilidad na pang-proteksyon, suporta sa pagsasalin, at iba pa
4. Suporta sa Pagtatrabaho para sa mga Migranteng Kasal
  • Nilalaman : Nangangalap ng mga migranteng kasal na naghahanda para sa pagkuha ng trabaho at nagsasagawa ng paunang pagsasanay sa trabaho (wikang Koreano, kaalaman sa propesyon, kompyuter, atbp.), at nagbibigay ng pinagsamang suporta sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang institusyon ng pagsasanay sa trabaho upang makapasok ang mga migranteng kasal sa mga angkop at may magandang pag-asa na hanay ng trabaho.
  • Institusyong Namamahala : Busanjin-gu Multicultural Family Support Center
5. Suporta sa internship sa mga imigranteng kababaihan
  • Aplikante : Mga kasal na imigranteng kababaihan na naakrehistro para sa paghahanap ng trabaho
  • Detalye: Koneksyon sa corporate internship, pagbabayad subsidy, atbp.
  • Kumonsulta: Women's New Employment Center 11 lokasyon(☎ 1544-1199)
6. Programa para sa Pagtatrabaho at Pagnenegosyo ng mga Migranteng Kasal
  • Target : Mga migranteng kasal, at iba pa
  • Institusyong Namamahala: Multicultural Family Support Center at Family Center
7. Suporta para sa Kaginhawahan ng mga Imigrante sa Pag-aasawa
(1) Diskwento sa International Express Mail Service (EMS): Mga Post Office sa Busan
  • Nilalaman: 10% na diskwento sa bayad ng EMS para sa mga imigrante sa pag-aasawa na nagpapadala sa kanilang sariling bansa
  • Mga Kinakailangang Dokumento: Alien Registration Card o Family Relationship Certificate
(2) Diskwento sa Bayad sa Pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa: Busan Bank
  • Nilalaman: Walang bayad sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa at 80% na preferential exchange rate para sa USD at JPY
  • Mga Kinakailangang Dokumento: Alien Registration Card o Family Relationship Certificate
(3) Serbisyo ng Multilingual na Impormasyon sa Sakuna at Kaligtasan

Emergency Ready App ng Ministry of the Interior and Safety: Nagbibigay ng emergency disaster alerts sa Ingles, Tsino, Hapones, Biyetnames, at Thai

8. Suporta para sa mga institusyong pag-aaral ng lenggwaheng Korean para sa mga multikultural na pamilya
  • Aplikante : Mga kasal na imigranteng kababaihan, mga imigranteng bata o naipanganak sa ibang bansa na naninirahan sa Korea, atbp.
  • Detalye : 7 kurso para espesyal na layunin, praktikal na edukasyon sa wikang Korean(trabaho, TOPIK Program)
  • Mga Institusyong Pangedukasyon : 16 na lokasyon ng Multicultural Family Support Centers, Integrated Centers, Welfare Centers, atbp.
9. Serbisyo ng Interpretasyon at Pagsasalin para sa mga May-asawang Migrante
  • Mga Benepisyaryo : Mga pamilyang multikultural, dayuhan, mga pamilyang refugee, o mga indibidwal at institusyong tuwiran o di-tuwirang sumusuporta sa mga pamilyang multikultural, dayuhan, o pamilyang refugee.
  • Mga Serbisyo : Interpretasyon, pagsasalin, at pagbibigay ng impormasyon.
  • Mga Namamahalang Institusyon : 14 na Sentro ng Suporta para sa mga Pamilyang Multikultural at Pamilyang Koreano.
    ▹ Mga Lugar na May Suporta sa Wikang Vietnamese: Seo-gu, Dong-gu, Yeongdo-gu, Busanjin-gu, Dongnae-gu, Nam-gu, Buk-gu, Haeundae-gu, Saha-gu, Geumjeong-gu, Yeonje-gu, Suyeong-gu, Sasang-gu, at Gijang-gun.
10. Suporta para sa mga batang may solong magulang na mababa ang kita
  • Aplikante : Mga single parents na pamilya na may mababang kita.
  • Detalye: Suporta sa mga bata(kada buwan/200,000 won), mga gamit ss paaralan para mga estudyante sa middle school at high school (kada taon/93,000 won).
  • Kumonsulta: City.District Community Center(para sa counseling at application)

PAGSUPORTA PARA SA PAGPAPATIBAY NG ISANG MATATAG NA PUNDASYON PARA SA BUHAY PAMILYA

1. Pagpapatibay at pagpapayo sa loob ng pamilya
  • Aplikante : Multikultural na miyembo ng pamilya
  • Detalye: Pagpapayo at pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng mga mag-asawa, magulang at mga anak, pagbibigay payo sa mga hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya.
  • Kumonsulta: Multicultural Family Support Centers at Mga Integrated Centers
2. Pagsuporta para sa pagpapaunlad ng kamalayan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at karapatang pantao
  • Aplikante : Multikultural na miyembro ng pamilya.
  • Detalye: Edukasyon o kaalamnan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, edukasyon sa pagpapabuti ng pagiging sensitibo sa karapatang pantao, atbp.
  • Kumonsulta: Multicultural Family Support Centers at Mga Integrated Centers
3. Pagsusulong ng edukasyon para sa pag-unawa sa edukasyong multikultural
  • Aplikante :Mga pampublikong opisyal, pangkalahatang mamamayan, manggagawa sa pasilidad, kasal na mga imigranteng kababaihan.
  • Detalye: Lipunang Multikultural(multicultural society), espesyal na lecture para sa mapahusay ang multicultural sensitivity.
  • Kumonsulta: Dibisyon ng Patakaran sa Populasyon
4. Pagsuporta sa "Representative Meeting" para sa imigranteng mga kababaihan
  • Miyembro: 16 na katao(city.district community recommendation)
  • Estado : nasyonalidad, edad, marriage period, pagkonsidera at pagsasaalang-alang sa marriage period at estado ng miyembro.
  • Kelan : 2 beses sa isang taon
  • Detalye : Pakikibagay sa lipunan ng Korean, pagsasalitan ng mga opinyon, atbp.
5. Programa para sa pakikipag-ugnayan at komunikasyon para sa mga multikultural na pamilya
  • Detalye : Paggamit ng mga komunidad sa mga multikultural na pamilya, pagpapatakbo ng mga open space sa mga local na komunidad, pagsuporta self-help group meetings, child growth programs, atbp.
  • Mga Institusyong Sumusuporta : 3 na Multicultural Family Support Centers at Integrated Centers(Donggu, Bukgu, Haendaegu)

PAGPAPABUTI AT PAGPAPALAKAS NG MULTIKULTURAL NA PAGTANGGAP AT MULTICULTURAL POLICY IMPLEMENTATION SYSTEM

  • Layunin ng Proyekto : Pagpapabuti ng pagtrato ng mga Multicultural Family Support Center workers, pagtibayin ang tungkulin ng base center upang mapahusay pa ang serbisyong binibigay.
  • Detalye ng Proyekto :
    • Pagkonsulta na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng mga regional centers.
    • Pagpapabuti ng kahusayan sa trabaho sa pamamagitan ng pagsasanay ng maayos.
    • Patuloy na pagpapalitan ng impormasyon at paguusap sa pagitan ng mga centers. Paghihikayat na palakasin ang mga social networks para sa pagbabahagi o pagpapalitan ng mga impormasyon.
  • Mga Institusyong Namamahala : Busan City, Namgu Multicultural Family Support Center (base)

Kabuuan at Kasalukuyang Kalagayan ng Multikultural na Pamilya

2023.11.1. Pamantayan / (Yunit : Bilang ng tao)

Kabuuan at Kasalukuyang Kalagayan ng Multikultural na Pamilya
Kategorya Pangkalahatang Kabuuan Imigranteng May asawa Mga Anak(naturalized/foreign visa children)
suma-kabu uan La laki Ba bae Hindi pa nakakua ng Korean nasyonalidad May hawak ng Korean Nasyonalidad
Kabuuan Lalaki Babae Kabuuan Lalaki Babae Kabuuan Lalaki Babae Kabuuan Lalaki Babae
Kabuuan 28,135 9,183 18,952 14,640 2,348 12,292 7,305 1,452 5,853 7,335 896 6,439 13,495 6,835 6,660
Jung-gu 393 126 267 250 51 199 128 22 106 122 29 93 143 75 68
Seo-gu 906 289 617 498 79 419 232 44 188 266 35 231 408 210 198
Dong-gu 1,027 332 695 596 110 486 280 45 235 316 65 251 431 222 209
Yeongdo-gu 1,085 331 754 563 65 498 251 32 219 312 33 279 522 266 256
Busanjin-gu 2,542 787 1,755 1,339 188 1,151 680 118 562 659 70 589 1,203 599 604
Dongnae-gu 1,410 450 960 702 85 617 347 48 299 355 37 318 708 365 343
Nam-gu 1,888 626 1,262 922 148 774 464 94 370 458 54 404 966 478 488
Buk-gu 2,283 728 1,555 1,090 120 970 487 61 426 603 59 544 1,193 608 585
Haeundae-gu 2,893 1,116 1,777 1,465 378 1,087 852 291 561 613 87 526 1,428 738 690
Saha-gu 3,370 1,015 2,355 1,772 210 1,562 816 111 705 956 99 857 1,598 805 793
Geumjeong-gu 1,527 485 1,042 822 126 696 392 71 321 430 55 375 705 359 346
Gangseo-gu 1,468 512 956 744 148 596 395 94 301 349 54 295 724 364 360
Yeonje-gu 1,207 395 812 600 93 507 320 54 266 280 39 241 607 302 305
Suyeong-gu 1,330 481 849 695 161 534 406 114 292 289 47 242 635 320 315
Sasang-gu 3,033 910 2,123 1,647 232 1,415 736 158 578 911 74 837 1,386 678 708
Gijang-gun 1,773 600 1,173 935 154 781 519 95 424 416 59 357 838 446 392

자료관리 담당부서

인구정책담당관
051-888-1544
최근 업데이트
2025-02-20

페이지만족도

페이지만족도

이 페이지에서 제공하는 정보에 만족하십니까?

평균 : 0참여 : 0

댓글은 자유로운 의견 공유를 위한 장이므로 부산시에 대한 신고, 제안, 건의 등 답변이나 개선이 필요한 사항에 대해서는 부산민원 120 - 민원신청 을 이용해 주시고, 내용 입력시 주민등록번호, 연락처 등 개인정보가 노출되지 않도록 주의하여 주시기 바랍니다.

상업광고, 저속한 표현, 정치적 내용, 개인정보 노출 등은 별도의 통보없이 삭제될 수 있습니다. 부산민원 120 바로가기